Wednesday, January 10, 2007

Wasted Much???



Pagkatapos ng “Season to be Jolly” eto ako nangangati. Kasi naman sa dami ng nakain ko na kung anu-ano (na hindi ko na ma-remember), naghalu-halo na sila sa sistema ko. Tapos, dilated pa mga viens ko (uy, sa CSI ko na-pick up yan ha!) dahil pagkatapos ng mahabang panahon tumikim uli ako ng alak. Hay naku! Sinumpa ko na yan nung unang panahon. ‘Di na ako mag-o-overdose sa alak. But since it was New Year’s Eve and we were having fun………. Yun na! (At least umabot ako ng 12mn.)

Bakit nga ba walang kadala-dala! Bakit kailangang mag-krus uli ang landas namin ni Kumpareng Smirnoff. Dami ko na rin “most frightening experiences” pagdating sa Vodka. Pero the best pa rin to (next sa Tequilla)! Di amoy lasing at walang hang-over. Teka, sigurado ka bang Smirnoff yun? Parang tunog Cossack!! Hehe!

O sige eto na nga. Yaman din lang napag-usapan. At malay nyo may moral lesson kayong mapick-up. My most “embarrassing wasted moments”. (or at least those I remembered)

Wasted Moment #1.
Nung unang panahon, birthday ng “my one and true love”. First birthday celeb nya na “my one and true love” ko na siya.. At first time ko ma-meet ang relatives nya. First time din makasama ang mga close friends nya. At first time din ma-wasted, as in ‘wasted’, ang beauty ko. Dyahe!
Malay ko bang masamang paghaluin ang pineapple juice, beer at vodka. Lalo na pag di ka makakain ‘coz of jitters and nervousness due to the fact that it was my first time to impress everyone close to my true love’s heart. (whew! haba ‘nun). So yun na nga! Imbes na magpa-impress, masyado akong na-depress. Di ko nga alam kung ilang uwak ang tinawag ko nung gabing ‘yun. Ang mas eeewww! pa ‘dun habang nag-iinuman at nagkakasayahan silang lahat, ayun ako nakahilata sa folding bed at me katabing urinola. Nakakaiyak di ba? Mantakin mu yun! First impression! Buti na lang di sila naniniwala sa kasabihan. (or so I thought!)

Wasted Moment #2.
Grand inuman ito, to the highest level. Ka-jamming si Pareng Jose Cuervo. Naubus na ang lemon at salt pagdating ko. Kaya Coke na lang ang chaser ng tequilla ko. Di ko alam kung ano effect nun. Malamang wala, kasi bukod tanging mundo ko lang ang umikot. Okay pa naman yung mga kainuman ko. Ang matindi pa nun biglang tinugtog ang national anthem ng puso ko. (“Somebody” po yun). At “cry me a river” and drama ng lola nyo. Bakit??? Malay ko??? Trip ko lang. Pagkatapos kong awayin ang mga kainuman ko, pinagha-hug ko sila. Tapos sabay-sabay kaming tumayo at inilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at umawit ng “I want somebody to share…….” Ka-praning ‘no?

Wasted Moment # 3
We were in this bar in Makati. And then…. Teka! Rewind! Gimik ito sa isang defunct bar sa Makati and because of some security reasons, itago na lang natin ito sa pangalang Decades, Mile Long-Amorsolo branch.
May celebration kaya baha ng Absolute (kurant-ontherocks, Favorite!). Nung una pasayaw-sayaw, painum-inom. Tapos, patumba-tumba na. Sumunod, pasuka-suka na. This time di lang umikot ang mundo ko. Nagtumbling pa! Aruy! Dun ko lang napagtanto na nakakapanlambot pala ng tuhod ang Absolute. Parang jelly ang mga legs ko. At lumabas ako ng bar na di nakasayad ang mga paa sa lupa. Imagine-nin nyo na lang kung paano.

Wasted Moment # 4
Birthday celebration uli ito, dun sa may Kalayaan Ave.. Open-air yung ihaw-ihaw-cum-bar. Me pagka-third class. Pero mura ang beer. Kaya kahit di pa October, sinelebrate na namin ang Oktoberfest. At bago pa maubos ang pansampung case ng beer, gumagawa na ako ng pizza. Take note di umo-order, gumagawa. Panu yun? Dun lang sa ilalim ng upuan ko habang nakatuwad ako. At ang ingredients… nevermind! Buti na lang open-air! Nawindang uli ang lola mo. Nawalan ng ulirat. At pagkagising. Laking gulat ko!! Nakita ko ang sarili ko sa kisame. Okay, hanggang dun na lang yun!

Ewan ko kung me napulot kayong aral sa mga worst “happy hour” experiences ko. Ako? Medyo. Natutunan ko na magdahandahan sa pagtoma. “Drink Moderately’ sabi nga sa komersyal. Saka pipiliin mo kung sino ang mga kainuman mo. Yung di ka pababayaan. Buti na lang I was always in good hands (or so I thought). At higit sa lahat, know your limit. Magtira ka ng konting wisyo para maalala mo lahat ang nangyari at maisulat mo sa blog mo.

1 comment:

Anonymous said...

nice artik Te Evz!!! we love you naman kahit na tongaera ka hahaha!!!