Saturday, September 1, 2007

Couch Kamote


Bata pa ako mahilig na talaga ako manood ng TV. Sariwa pa sa ala-ala ko ang telebisyon na una kong nakagisnan. Kasing laki ito ng cabinet namin. May dalawang pintuan at may pihitan para sa volume, channel at contast o brightness. High-tech no? Dahil sa sobrang lapad nito, ginagawa ko pa itong blackboard. Lagi akong pinagapagalitan dahil parati itong puno ng chalk. Dito ko rin tinatago yung mga laruan na ayaw kong pahiram sa kapatid ko. Kasi meron itong sliding doors. Naks!

Noong nasira dahil sa kalumaan ang TV set namin, sobrang dinamdam ko yun. Parang di ako makakain at makatulog ng maayos. Parati akong lito at di maka-focus sa pag-aaral. Noon pa man may symptoms na ako ng television addiction. Hindi ko na mapapanood ang paborito kong palabas sa tanghali. Yung mga pelikula ng Sampaguita at LVN. Paborito ko pa naman ang loveteam nina Pancho at Gloria at saka nina Rogelio at Paraluman. Harang talaga!

Hindi nagtagal, bumili na rin ng bagong TV, kasi nagagalit ang Lola ko dahil sinusubaybayan niya ang Analiza. AVR ready na to (pero di pa cable-ready) kaya pwede na kaming manood ng betamax. At meron ng remote control. Higher-tech!

Yung mga kapatid ko, palibhasa mga teenager na, American sitcoms ang dig. ‘Three’s Company’, ‘Greatest American Hero’ ‘Mork and Mindy’, The Cosby Show, etc, etc. At saka mga lovestory/action-adventure. ‘Remington Steel’, Moonlighting, ‘Starsky and Hatch’, ‘Miami Vice’, ‘The A-Team’, among others. Kaysa, makipag-away ako sa remote at mabatukan, nakikipanood na lang ako. Buti na lang hindi sila nahilig sa ‘Dynasty’ at ‘Knots Landing’. Ew,ew,ew! Sobrang heavy yun para sa tulad kong dugyutin. Sa mga Pinoy na palabas, wala akong matandaang lagi naming pinapanood kundi mga gag shows at sitcoms lang gaya ng ‘T.O.D.A.S.’ , ‘Sick O’clock News’, ‘Iskul Bokol’, ‘Urbana at Feliza’, etc. Hindi rin kami maka-‘Eat Bulaga’ dati dahil ‘Student Canteen’ ang lunch date naming.

Noong nagpalit na ng bagong dekada, iba na rin ang trip namin. Medyo tinedyer na ako nuon kaya meron na rin akong control sa remote. American TV series pa rin syempre. Pero this time, mga teeny-bopper na ang dating. Nuong late eighties at early nineties sobrang nabaliw ako kay Johnny Depp. Kaya ‘21 Jumpstreet’ forever. Kaya lang di pala forever. Pati si Winona di forever. Dumating din ang ‘Doogie Howser, M.D.’ tapos meron ding ‘Beverly Hills 90210’. Kahit nga Pinoy teeny-boppers swak na rin kaya T.G.I.S, Growing Up, Tabing Ilog at Click, sobrang kilig.

Medyo nadistract ako ng work at family kaya ang TV di ko muna nabigyang pansin. Pero ng pumutok na ang latin-novela gaya ng ‘Marimar’, ‘Maria la del Barrio’, ‘Betty La Fea’, at kung anu-ano pa nanumbalik na naman ang dati kong sigla. Kahit nga mga walang kwenta at over-acting na palabas ng mga latino pinagtyatyagaan ko.

Tapos, enter na ang mga asian-novela sa boob-tube, mas magaganda ang plot. May kabuluhan at hindi puro salbahing kalaguyo o biyenan, chauvinistang lalaking bida at ang martir na bida na biglang gaganda at yayaman. Mas pinaghirapan ang cinematography. At higit sa lahat walang OA na artista. Masyado na nga madami to mention.

Pero ang influence ng Kano di pa rin talaga maalis sa ating mga Pinoy. Lalo na ng lumaganap ang cable tv. Dig na dig ko pa rin ang comedy at love story nila. Patok pa rin ang ‘Friends’, ‘Sex and the City’, Alley McBeal, Charmed, etc.,etc.

Ewan ko ba, kung ano ang hipnotismo sa akin ng tv. Dahil hanggang ngayon pinaglalamayan ko pa rin ang mga series na gawang Tate. CSI, CSI: New York, CSI: Miami, Lost, House, Numbers, Prison Break, Heroes, Supernatural, Ghost Whisperer, etc. etc. Pati ang mga usung-usong reality shows at mga talk shows. Buti na lang kapag may na miss na episode pwedeng hanapin sa Internet o kaya bilhin ang buong season sa Quiapo o Tutuban. Hay naku! Adik!

Pero ang Filipino TV programming di na rin pahuhuli. Malaki na ang improvement ng mga series sa TV. Kahit na medyo mas marami ang remake okay na ring pampalipas boredom.

What’s life without TV? There is no life without TV. It’s the only good thing we got for so long and still revolutionizing. So, bring out the popcorn and just sit back... relax… and watch TV.