That was the question.
Sa tinagal-tagal na ng fad na ito at sa milyon-milyong tao na ang naglakas-loob isiwalat ang istorya ng buhay nila sa net di ko pa rin makuhang maging isang “escribitionist” ika nga. Until now!
Bakit nga ba hindi? Sa dinami-dami na ng diaries na napuno ko simula nung Grade 3 pa lang ako at sa mga istoryang kahit di ko tapos pero at least nasimulan ko, pwedeng-pwede na akong maging isang writer, kahit sa ‘blog’ lang. Pero nagdalawang-isip pa rin ako nung una. What if ma-bore ang readers sa mga istorya ko? What if wala akong maging reader? What if pumalpak ang Ingles ko? (Dyahe) What if walang kwenta ang mga ideas ko? Hay naku! Wag na lang kaya? Nightmare ‘to ng isang manunulat o ng mga wanna-be manunulat. Kaya nakaisip ako ng mga ideas.
Una, tutal di naman ako kagalingan sa Ingles (pero di naman kabobohan ha) kaya Pilipino na lang ang gagamitin ko. Mas mabilis, mas magaling at mas flowing ang ideas. Kahit nga kolokyal o yung mga pangkantong salita pwedeng gamitin. E si, Bob Ong nga nakasulat na ata ng limang libro na parang nagblo-blog lang e. Pero, enjoy basahin ang ABNKKBSNPLAko. Kasi sobrang natural, walang pretentions, at di masalimuot (come again?)ang mga words. Kung Ingles yun, walang kwenta. Di ko babasahin.
Pangalawa, magreresearch muna ako. Nagbasa ako ng ‘blogs ng iba. ‘Ginuggle’ ko ang mga famous blog sites (Livejournal.com, JournalHome.com, Blogger.com, WordPress.com, TheDiary.org, Mindsay.com, Blog.com, Diaryland.com, at Blogdrive.com.). Merong maikli, merong mahaba at merong sobrang haba. Kaya dun lang ako sa gitna, sa medyo maikli.
Pangatlo, ayoko ng sad stories, nakakatamad yun. Kahit ako mabo-bore pag binasa ko ang blog ko. Sayang yung buhay ko pa naman full of sad stories (naks!). Try ko rin minsan ng variation. Kung baga lahat ng topics pwede. Cooking, music, movies, parenting, politics, showbiz, buhay-bahay, buhay-work (meron ba?) at kung anik-anik.
At panghuli, try ko maging sobrang natural. Hindi masyadong magpa-impress sa kakayahan ng intelligence ko at hindi gumamit ng mga …….what’s the word na nga??? “high polluting? hipoluting? highfaluting?” words na English.
So, eto na nga ako. Join na ko sa bandwagon (oooppps)!
To BLOG! That is the answer!

1 comment:
Post a Comment